Author Topic: Bakit nga ba kelangan natin mag invest?  (Read 850 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

NeoGemini

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 262
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Bakit nga ba kelangan natin mag invest?
« on: August 06, 2014, 10:06:25 AM »
Im just wondering... Bakit nga ba kelangan natin mag invest? Para saan? What if malugi? Makakabawi ka kaya?

PesoRepublic.com | Your smart guide to money matters and entrepreneurship.

Bakit nga ba kelangan natin mag invest?
« on: August 06, 2014, 10:06:25 AM »

Mountain View

GreenMoney

  • Living a green body in an ungreen world
  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 465
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Re: Bakit nga ba kelangan natin mag invest?
« Reply #1 on: August 06, 2014, 10:08:56 AM »
Goal # 1: To beat Inflation

Isa sa pinakauna nating goal kung bakit natin kailangang mag-invest ay upang malabanan ang inflation!

Pero ano nga ba ang Inflation?

Ang Inflation ay ang taon-taon na lang na pagtaas ng mga pangunahing bilihin at serbisyo gaya ng bigas, gasolina, pamasahe sa jeep, at marami pang iba. Sa ayaw at sa gusto natin, patuloy na tumataas ang presyo ng mga ito. Kaya naman, para makasabay tayo, tatlo lang ang pwede nating gawin. bawasan natin ang gastusin natin, taasan natin ang sweldo natin or taasan natin ang kinikita ng pera natin! Mamili ka o sabay-sabay mo itong gawin! :)

photocredits: embedded from  pesosandsense.com

In average, ang Pilipinas ay mayroong inflation rate na 4-5% kada taon. So, anong epekto nito sa buhay natin? Imagine, mayroon kang gustong bilhin ngayon na nagkakahalaga ng 1 milyong piso ngunit wala kang ganitong halaga kaya naman pinagpaliban mo ito. Alam mo ba, dahil sa inflation, ang presyo ng pangarap mong bilhin ay hindi na 1 milyon sa susunod na taon? Sa loob ng 10-15 taon, magiging doble na ang halaga nito.

Ang inflation ay hindi lamang nakakaapekto sa ating pang-araw araw na buhay, kundi ninanakaw din nito ang ating mga pangarap! Kaya kung nais nating matupad ang ating mga pangarap, kailangan nating labanan ang inflation!

Alam natin na nangyayari ito taon-taon, pero binabalewala lamang natin ang epekto nito sa ating buhay. Kaya naman patuloy parin tayong kumakayod sa pagtatrabaho sa pag-aakalang sapat na ito. Ngunit hindi natin namamamalayan, inilalayo na pala tayo ng inflation na ito sa ating mga pangarap.

Ngunit, sa totoo lang, kaya nating labanan ang inflation. Ito ay sa pamamagitan ng… investing !

Alam mo ba kung bakit ang mga mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahihirap ay lalong naghihirap?  Isang magandang paglalarawan kung bakit ay ang graph na inyong makikita sa ibaba.

Ito ang graph na naglalarawan sa pagkakaiba ng Wealth at Poverty. Ang asul na linya ay ang ating Cost of Living (Expenses). Mapapansin natin na paakyat ang takbo nito. Sa ayaw at sa gusto natin ang mga gastusin natin ay pataas ng pataas taon-taon, dahil na rin sa epekto ng inflation.

Kung ang iyong Income(red line) ay umaakyat ngunit mas mababa naman kumpara sa inflation, ang nangyayari, ay lalo ka lang maghihirap (Poverty), dahil hindi ka makakasabay sa pagtaas ng mga bilihin at serbisyo(inflation). You are becoming poorer & poorer.

Samantala, sa kabilang banda, Kung ang iyong Income(green line) ay “mas” mataas kaysa sa inflation, then, you’re creating “Wealth”! You are becoming richer & richer.

At sa pamamagitan ng investing, mas mapapadali nating mapapalago ang ating income ng higit sa inflation at ito ang sikreto ng mayayaman. Hindi dahil sa pinanganak tayong mahirap o dahil sa bulok ang sistema ng ating gobyerno. Ang totoong dahilan kaya tayo naghihirap ay dahil hindi natin alam kung paano palalaguin ang pera na meron tayo ngayon upang malabanan ang inflation.

Alam mo bang 1% lang ng mga pinoy ang nag-iinvest sa stock market? Habang karamihan ng mga pinoy ay umaasang mananalo sa lotto o dumedepende sa pensyon na binibigay ng gobyerno.

May mga pinoy naman na mas pinipiling ilagay ang kanilang pera sa simpleng savings account lamang. Hindi masama na ilagay natin ang ating pera dito ngunit hindi magandang ideya na ilagay nating lahat ang ating pinaghirapang pera sa isang savings account at aasang lalago ito. Ang savings account ay mayroon lamang 1%-2% interest na kung saan, sobrang baba kumpara sa inflation, kaya naman imbes na madagdagan ang pera natin, ang totoong nangyayari ay nababawasan pa ang halaga nito o yung tinatawag na “purchasing power” dahil sa inflation.

Well, ano nga ba ang mga investments na makakatapat o makahihigit sa inflation? Nariyan ang Stocks, Mutual Funds, UITF, Bonds, Traditional Businesses at marami pang iba!

GreenMoney

  • Living a green body in an ungreen world
  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 465
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Re: Bakit nga ba kelangan natin mag invest?
« Reply #2 on: August 06, 2014, 10:10:39 AM »
Goal # 2: To save up for retirement

 “Retirement? Ayoko munang isipin yan, bata pa ako, magpapakasarap muna ako sa buhay!”

Ito ang madalas nating naririnig na linyada ng mga pinoy sa tuwing pinag-uusapan ang retirement. Subalit alam mo ba kung anong pwedeng mangyari sayo kapag hindi mo pinaghandaan ang iyong pagtanda?

photo credit

Natatandaan mo pa ba ang kwento nila Lola Penny at Lola Pilar? Kung hindi mo pa nabasa ang kanilang kwento, balikan mo DITO.

Maging handa kung ayaw mong matulad sa sinapit ng kawawang si Lola Penny!

Maging handa kung nais mong matulad sa sinapit ng masaganang si Lola Pilar!

Nang magretiro si Lola Penny, nakatanggap sya ng malaking halaga bilang retirement package mula sa kumpanyang kaniyang pinagsilbihan ng mahabang panahon bilang accountant, ngunit hindi pa rin ito naging sapat para matustusan niya ang kaniyang pangangailangan sa mahaba pang panahon na ilalagi niya sa mundo. Dumating sa puntong nakikitira na lamang siya sa bahay ng kaniyang anak at inaasa dito ang lahat ng kaniyang gastusin gaya ng pagkain at gamot, ngunit alam niyang may sarili ding problema ito pagdating sa buhay-pinansyal.

Kabaligtaran naman nito ang naging kapalaran ni Lola Pilar. Si Lola Pilar ay naging handa sa kanyang pagreretiro. Nang si Lola Pilar ay huminto ng magtrabaho bilang cashier, nakatanggap siya ng separation pay mula sa kaniyang kumpanya na tumataginting na..P2,000! Ngunit, imbes na gastusin ito, inilagak niya ito sa Stock Market at kapag mayroon syang “extra money”, patuloy siyang naglalagay dito ng maliit na halaga kada buwan at iniinvest sa mga sikat at malalaking kumpanya ng kaniyang panahon gaya ng San Miguel, Ayala at iba pa. Di kalaunan, naging milyonarya si Lola Pilar at namuhay ng masagana.(siya nga pala, si Lola Pilar, ay ang ina ni Bro. Bo Sanchez) ;)

Alam mo ba, ayon sa survey, 98% ng mga taong may edad 65 pataas ay kagaya ng sinapit ni Lola Penny at tanging 2% lamang ang mga kagaya ni Lola Pilar!

Karamihan ng mga matatandang pinoy ay nakikitira at umaasa na lamang sa mga anak at dumedepende sa napakaliit na pensyon na kanilang natatanggap mula sa gobyerno o sa mga charitable institution habang ang iba ay patuloy pa rin na nagtatrabaho kahit matanda na, dahil kapag hindi nila ito ginawa,  wala silang kakainin at mamamatay sila sa gutom.

Gusto mo ba ng ganitong senaryo mga ka-Noypi? Inaasa na lamang natin lahat ang ating mga gastusin sa ating mga anak?

Tandaan mo, kapag tayo ay nagretiro, kailangan pa rin natin ng mga basic needs gaya ng pagkain, tirahan at lalong lalo na, ng mga gamot. Ngunit sa pagkakataon din na ito, maaring ang ating mga anak ay bumubuo na o meron naring sariling pamilya. Kaya naman, ang magiging “karibal” natin sa mga gastusin ay ang ating sariling mga apo!

Alam ko, ayaw mong maging pabigat sa mga anak mo balang araw. Kaya kung ayaw mong mangyari sayo ito, paghandaan mo ang iyong pagreretiro!

At ang tamang panahon para paghandaan ang iyong pagreretiro…ay NGAYON!

Simulan na nating mag-impok at mag-invest upang maiwasan ang ganitong mga senaryo. Alamin kung paano natin mapapalago ang pera na hawak natin ngayon nang sa gayon, sa ating pagreretiro ay patuloy pa rin nating masuportahan ang ating mga sarili sa ating pagtanda na hindi inaasa sa ating mga anak ang ating mga gastusin.

GreenMoney

  • Living a green body in an ungreen world
  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 465
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Re: Bakit nga ba kelangan natin mag invest?
« Reply #3 on: August 06, 2014, 10:11:47 AM »
Goal # 3: To achieve Time & Financial freedom

Para sa akin , ito ang pinaka-importanteng goal sa lahat! Ang magkaroon ng time & financial freedom!

Wala ng sasarap pa sa buhay, na hawak mo ang oras mo at nagagawa mo ang lahat ng mga bagay na gusto mong gawin kasama ng iyong pamilya at mga mahal sa buhay.

photo credit : theasianparent.com

Hindi ba’t napakasarap na kahit natutulog ka o nagbabakasyon ka kasama ng iyong pamilya ay patuloy na pumapasok ang pera sayo kahit hindi ka magtrabaho dahil mayroon kang "stream of income" bunga ng iyong mga investments?

Imagine, na hindi mo na kailanman magiging problema kung saan mo kukunin ang pang gastos mo at ng iyong pamilya araw-araw dahil nakapag-build ka na ng iyong "wealth" over time?

Imagine, ang pakiramdam na maging malaya, na wala ng "boss" na nag-uutos sayo na gawin mo to, gawin mo yun! dahil this time, ikaw na ang "boss" ng sarili mo!

Imagine, na hindi ka na magmamadaling pumasok sa trabaho at susuungin ang traffic o makikipag-siksikan sa MRT!

Imagine, na hindi mo na kailangang umalis ng bansa upang magpaalipin sa mga dahuyan kapalit ng mas malaking kita ngunit mawawalay ka naman sa iyong pamilya!

Imagine, na lahat ng mga pangarap mo sa buhay ay unti-unting natutupad dahil nag-take ka ng action "ngayon" para ayusin ang "future" mo at ng mga mahal mo sa buhay!

photo credit : luxurious-estates.com

Gusto mo rin ba ng ganitong buhay ka-Noypi?

Ngunit paano mo ito magagawa kung patuloy kang kumakayod sa trabaho mula araw hanggang gabi?

Kung patuloy mong ipinagpapalit ang gintong oras mo upang kumita ng pera para sa pamilya?

Ngunit alam mo ba, na sa pagiging empleyado natin, ay tila ninanakaw narin sa atin ang mga oras na sana’y kapiling natin sila?

Hindi ko sinasabing huwag na tayong magtrabaho ngayon dahil ito ang ating pundasyon sa pagbuo ng ating pinansyal, ngunit maaari nating paikliin ang panahon na tayo’y nagtatrabaho para magkapera at matutunan kung paanong ang pera naman ang siyang magtatrabaho para sa atin upang maghatid ng mas marami pang pera para sa ating kinabukasan upang makamit natin ang pinaka-mimithi nating Time & Financial freedom!

Ito ay sa pamamagitan...ng investing!

Maaaring malaki ang sweldo mo sa kumpanyang iyong pinapasukan ngayon, ngunit hindi ito sapat at maituturing na Financial freedom sapagkat darating ang araw na mapapagod ka, magkakasakit ka at hindi mo na kakayanin pang magtrabaho. Kapag huminto ka sa pagtatrabaho, paano na ang pamilya mong umaasa sayo?

Hindi gaya ng pera, hindi ito napapagod, nagkakasakit o hihinto sa paglago! Ang kailangan lang ay isang magaling na “Master” o “Investor” na kagaya mo!

Kaya’t simulan na nating mag-invest mga ka-Noypi at palaguin ang pera na meron tayo ngayon upang makawala tayo sa “rehas” ng pagiging empleyado at maialay ang ating oras sa ating pamilya na mas higit na nangangailangan nito.

“The secret of the wealthy is not that they have more money but they have more time freedom. Because their income streams are residual, they have the time to spend on anything they want.”” - Robert G Allen.

PesoRepublic.com | Your smart guide to money matters and entrepreneurship.

Re: Bakit nga ba kelangan natin mag invest?
« Reply #3 on: August 06, 2014, 10:11:47 AM »

Related Topics

Posting Disclaimer: Any individual may post a message in this forum and may do so anonymously. Therefore, the sole author is exclusively and entirely responsible for all opinions in that message. They do not represent the official opinions of PesoRepublic , its administrators or moderators or the PesoRepublic Management. PesoRepublic is merely acting as an impartial conduit for constitutionally protected free speech and is not responsible and will not be held liable for the content of such messages. Community & Groups - Top Blogs Philippines