Author Topic: Ano ba ang tinatawag nila na "Employer-Employee Relationship"?  (Read 825 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

CorporateCorps

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 146
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Ano ba ang tinatawag nila na "Employer-Employee Relationship"? dapat ko bang malaman ito?

OO, importanteng malaman mo ang ibig sabihin nang "Employer-Employee Relationship" kasi kung hindi ka pasok sa relasyon na ito, malamang, hindi mo puwedeng hingin ang mga karapatan nang isang empleyado na naayon sa "Labor Code of the Philippines".

Ang Employer - Employee Relationship sa isang simpleng salita  ay ang relasyon nang dalawang partido kung saan ang ang unang partido na tinatawag natin na manggagawa (employee) ay naglilingkod sa pangalawalang partido na maaaring isang kompanya o tao din (employer) para sa pag-unlad nang negosyo or business nang nasabing employer. Sa maiksing salita, ang isang tao ay nagsisilbi sa isang kompanya or tao dahil siya ay empleyado nya.

Ibig bang sabihin ba nito na basta nagsilbi ang isang tao sa isang kompanya or isang tao, meron na silang "employer-employee relationship?" HINDI AGAD AGAD, mayroon apat elemento bago mo masabi na ang taong nagsisilbi ay empleyado nang taong pinagsisilbihan.

Ano ano ang Apat (4) na ito?

(a) Ang kakayahan nang employer na mamili at tumanggap nang taong mag-sisilbi;

(b) Ang kakayahan nang employer na alisin ang nagsisilbi kung nagkamali ito, kasama dito ang pagpapataw nang disiplina;

(c) Ang obligasyon nang employer na bayaran nang sapat na sahod ang taong nagsisilbi; at

(d) ang kakayahan nang employer na kontrollin kung ano dapat ang kalalabasan nang trabahong ginagawa nang employee at kung ano ang dapat na paraan  kung paano niya gagawin ang naka-atas sa kanya na trabaho.

Kung lahat nang elemento na ito ay nandyan, maari mo nang sabihin na meron ngang "employer-employee relationship". Sa makatuwid, kung empleyado ka nga, may karapatan ka na hingiin sa iyong employer ang mga benepisyong naayon sa Labor Code of the Philippines.

Supreme Court case excerpt:

MANILA WATER COMPANY, INC. vs JOSE J. DALUMPINES, ET. AL.
G.R. No. 175501, October 4, 2010

"The elements to determine the existence of an employment relationship are: (a) the selection and engagement of the employee; (b) the payment of wages; (c) the power of dismissal; and (d) the employer's power to control the employee's conduct. The most important of these elements is the employer's control of the employee's conduct, not only as to the result of the work to be done, but also as to the means and methods to accomplish it.


Your smart guide to money matters and entrepreneurship

PesoRepublic.com | Your smart guide to money matters and entrepreneurship.


Mountain View

 

Related Topics

  Subject / Started by Replies Views Last post
0
1694
Last post April 24, 2012, 12:55:03 PM
by CodeRepublic
1
1079
Last post May 26, 2014, 05:48:39 PM
by IntraLover
2
855
Last post July 05, 2013, 10:35:35 AM
by PinoySpecialist
2
1350
Last post September 06, 2015, 08:15:34 AM
by Technopreneur101
1
1116
Last post April 30, 2014, 05:08:49 PM
by ZuvelCompany

Posting Disclaimer: Any individual may post a message in this forum and may do so anonymously. Therefore, the sole author is exclusively and entirely responsible for all opinions in that message. They do not represent the official opinions of PesoRepublic , its administrators or moderators or the PesoRepublic Management. PesoRepublic is merely acting as an impartial conduit for constitutionally protected free speech and is not responsible and will not be held liable for the content of such messages. Community & Groups - Top Blogs Philippines