Author Topic: Ang Negosyo Ng Forex Trading  (Read 113 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

AdGeek

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 660
  • Karma: +1/-0
    • View Profile
Ang Negosyo Ng Forex Trading
« on: April 12, 2017, 11:55:40 AM »
Ang Negosyo Ng Forex Trading

Para sa mga nakararami, lalo na yung mga walang ka-alam alam sa sistema ng Forex Trading; itinuturing nila itong isang klase ng sugal.

Sugal na maituturing ang forex trading kung wala kang ka alam alam kung paano ang diskarte dito dahil sa isang iglap lang ay pwedeng maubus ang iyong puhunan.

Subalit kapag nalaman mo ang tamang diskarte na angkop sa panlasa mo bilang negosyante ay magagawa mong pang habang buhay na negosyo ang forex trading.

Sa pamamagitan ng guide na ito, hangad kong maimulat kayo sa negosyo ng forex trading.

Babala:
walang negosyanteng hindi namuhunan ng sapat bago umasenso.
walang negosyanteng hindi nakatikim ng pagkalugi bago umasenso.
kung inaakala mong magkakamal ka ng malaking pera sa kakarampot na puhunan lang ay wag mo ng ambisyunin pang pasukin ang negosyong ito.
kung takot kang magpatalo ng pera ay mas mabuti pang ibangko mo nalang ang pera mo.
kung tamad kang pag-aralan ang negosyong ito ay mas makabubuting wag ka nalang mag forex trading.
kung handa kang malugi ng piso sa una at ikalawang trades para kumita ng tatlong piso sa ikatlong trades ay ipagpatuloy mo ang lang ang pagbabasa at pagsaliksik mo.

Forex Trading

Ang forex trading ay ang simpleng pakikipagkalakalan ng salapi. “buy” and “sell” of currencies kumbaga. bibili ka sa murang halaga para ibenta sa mas mahal na halaga paglipas ng sandali.

Lingid sa iyong kaalaman, may mga pangyayaring nagsasagawa ka na ng "Forex Trading" sa tuwing pera ang pinag-uusapan.

Halimbawa:

Kunyari isa kang OFW at ikaw ay nagta trabaho sa Saudi. At gusto mong magpadala ng pera sa iyong kamag-anak na nasa Pilipinas.

Syempre ang pinakamadaling paraan para makapagpadala ng pera ay ang pagpunta sa mga “Remittance Center”. So pupunta ka sa “Remittance Center” at gamit ang iyong Saudi Riyals, magpapadala ka ng Philippine Peso sa pilipinas.

Sa pagkakataong ito, nagsasagawa kana ng tinatawag na “Forex Trading” dahil pinapapalit mo na ang iyong Saudi Riyals kontra sa Philippine Peso.

At habang sinusulat ko ang guide na ito, ang halaga ng isang Saudi Riyals kontra sa Philippine Peso ay nagkakahalaga ng 11.89 kunyari.



Source: Check it here.

Sa forex trading, ipinapares ang “Base” currency (SAR) sa “Quote” currency (PHP). Kaya sa halimbawa sa itaas, pede nating sabihin na ang Saudi Riyals at ang Philippine Peso ay isang “Currency Pair”, at may simbolo itong “SAR/PHP”.

Halimbawa ulit:

Kunyari sabihin na natin na ang kasalukuyang halaga ng U.S Dollar kontra sa Philippine Peso sa ngayon ay 44.60 kunyari lang.



Source: Check it here.

At sa hindi maipaliwanag na kadahilanan na ikaw lang ang nakakaalam eh malakas ang kutob mong tataas pa ang halaga ng U.S dollar kontra sa Phillipine Peso sa isang buwan at magiging 50.00 pesos na isang dolyar ang magiging palitan kunyari.

Dahil may nakatabi kang pera kaya bibili ka ngayon ng dolyar sa halagang 44.60. Sabihin na nating nakabili ka ng 100 dollars sa perang naitabi mo.

At pagkalipas nga ng isang buwan, tulad ng inaasahan mo; ay tumaas ang halaga ng dolyar kontra sa piso at naging 1.00 USD = 50.00 PHP na nga ang palitan!

Kaya ipapapalit mo na ang iyong 100 dollars para maging peso ulit. Sa pagkakataong ito, kumita ka na ng 540.00 pesos! (nabili mo lang ng 44.60 at naibenta mo ng 50.00)

Buy USD/PHP at 44.60 = 4,460.00 pesos
(dahil alam mong lalakas pa ang dolyar sa piso kaya bibili ka)
Sell USD/PHP at 50.00 = 5,000.00 pesos
(dahil tumaas na ang halaga kaya magbebenta kana)
Gain = 540.00 pesos
(kinita mo sa deperensya ng palitan)

At yan ang “Forex Trading” sa simpleng halimbawa.

Kikita ka sa simpleng pagbaba o pagtaas ng isang salapi kontra sa isang salapi kung tama ang inaakala mong tataas o bababa nga ang nasabing salapi kontra sa ipinapares dito.

Madali lang ang sistema kung tutuusin. Bibili kalang sa murang halaga at ibebenta pag tumaas na ang halaga nito pagkalipas ng ilang sandali.

Kaso, humihirap ang sistema kapag hindi mo alam kung kelan tataas at kung kelan bababa ang halaga at dun marami ang nalulugi.

Akala kasi nila tataas pa kaya bumili na sila, pero pababa na pala. Akala naman ng iba pababa na kaya nagbenta na sila pero pataas na pala.

Ang paghina (pagbaba) at ang paglakas (pagtaas) ng isang salapi ay nakadepende sa maraming bagay. Pangkaraniwan, kapag lumalabas ang pera sa isang bansa , humihina ang halaga nito. Kapag may pumapasok namang pera sa isang bansa, lumalakas ito.

Diba kapag magpapasko, karaniwang lumalakas ang piso kontra sa dolyar kasi maraming mga OFW ang nagpapasok ng pera sa ating bansa?

Ganun din naman kapag nag SONA ang pangulo at medyo hindi maganda ang kanyang mga sinabi sa pandinig ng mga investors ay humihina ang piso dahil mag-aalisan ang mga investors sa ating bansa upang ilipat sa ibang bansa ang kanilang mga investments.

Ilan lang ito sa mga bagay na nagiging dahilan ng paghina at paglakas ng isang salapi kontra sa isang salapi na ipinapares.
« Last Edit: April 12, 2017, 12:00:37 PM by AdGeek »

PesoRepublic.com | Your smart guide to money matters and entrepreneurship.

Ang Negosyo Ng Forex Trading
« on: April 12, 2017, 11:55:40 AM »

Mountain View

AdGeek

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 660
  • Karma: +1/-0
    • View Profile
Re: Ang Negosyo Ng Forex Trading
« Reply #1 on: April 12, 2017, 11:57:11 AM »


Forex Market

Tumataas at bumababa ang kasalukuyang palitan ng mga salapi depende sa idinidikta ng pandaigdigang palengke ng pananalapi (World Foreign Exchange Market).
Foreign Exchange = Forex



Maraming forex markets sa buong mundo. may mga maliliit at may mga malalaking palengke. halos lahat ng mayayamang bansa ay kasali dito lalo na yung mga bansang malalakas ang palitan ng salapi. at dahil dito, apat lang ang kinikilalang forex market sa kasalukuyan na may malakas na palitan at ito ay ang mga sumusunod:

New York Market – mahigit 20% ng palitan ng salapi ang nagaganap kapag nagbukas na ang New York Forex Market.

London Market – mahigit 35% naman ng palitan ng salapi ang nagaganap kapag nagbukas na ang London Forex Market.

Tokyo Market – mahigit 6% lang ng palitan ng salapi ang nagaganap kapag nagbukas na ang Tokyo Forex Market.

Sydney market – mahigit 4% lang din ng palitan ng salapi ang nagaganap kapag nagbukas na ang Sydney Market.

Liquidity Providers

Sa tulong ng mga “Liquidity Providers” tulad ng malalaking bangko sa mundo at mga malalaking kompanya na may kinalaman sa pananalapi tulad ng “Morgan Stanley”, ‘Goldman Sachs”, “Bank of America Merrill Lynch” at iba pang mga katulad nito ay naisasagawa ang negosyo ng forex trading at nagsisilbi silang tulay ng mga “Forex Brokers’ at “forex traders”.

Sources:
Check it here.
Check it here.
Check it here.

AdGeek

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 660
  • Karma: +1/-0
    • View Profile
Re: Ang Negosyo Ng Forex Trading
« Reply #2 on: April 12, 2017, 11:57:38 AM »
Forex Brokers

Ang mga “Forex Brokers” ang tulay mo para ka makapagsagawa ng “trading”.
kumbaga, hinahango ng mga “Forex Brokers” ang kasalukuyang presyo sa “Forex Market” sa pamamagitan ng mga “Liquidity Providers” nila para makapagsagawa ng bentahan (sell) o bilihan (buy) ang mga Forex Traders.



Source: Check it here.

Nakasalalay ang pag asenso mo sa negosyo ng forex trading sa pagpili ng tamang ‘broker”. Marami kasing kalokohang bumabalot sa mundo ng forex trading at ang karamihan dito ay sa mga brokers nagsisimula.

Dapat, siguruhing matatag at maaasahan ang iyong broker. Dapat sila ay “Regulated” ng mga respetado at mapagkakatiwalaang sangay ng gobyerno kung saang bansa naka base ang kanilang operasyon.

Karamihan ng mga brokers ay may website at sa ibabang bahagi ng kanilang website, mababasa mo dapat ang mga impormasyon kung saan sila naka rehistro kasama ng kanilang registration number katulad ng screenshot sa ibaba na kinuha ko sa website ng aking broker.



Source: Check it here.

Bukod sa regulations, dapat din ay kinukunsulta mo ang mga kilalang forex forums para malaman ang hinaing ng ibang traders tungkol sa kanilang mga brokers. Kapag may mga hindi magandang reviews eh medyo magdalawang isip kana.

Wala akong irerekondang mga forex forums dahil ang karamihan dito ay negosyo. Kunyari magrereview sila ng mga brokers pero ang totoo eh may “commission” sila kapag ang sinasabi nilng broker ang pinili mo.

Karamihan din sa mga forex blogs ay puno ng mga “advertisements” tungkol sa mga forex brokers at mahirap malaman kung alin at kung sinong brokers ang maaasahan. Para sa akin, walang pinakamagandang rekomendasyon kundi ang rekomendasyon ng isang kaibigan na may matagal ng karanasan sa isang broker at wala naman syang nagging problema kahit pa anong sabihin ng iba.

Para sa akin, matagal na ako sa aking broker. Since 2008 pa at ngayon ay 2015 na habang sinusulat ko itong guide na ito at sa kanila parin ako nagsasagawa ng aking mga pangunahing trades.
Although marami din naman akong mga sinusubukang brokers hanggang ngayon para makita ang pagkakaiba nila sa aking pangunahing broker.

Bukod sa regulation at reviews, Isa din sa tinitignan ko sa isang broker ay ang ganda ng kanilang “trading platform” at ang “commission” o kaltas nila sa aking mga trades.

Mga Trading Platforms

Ang tinatawag na “Trading Platform” ay mga klase ng computer programs na ginagamit mo para makapagsagawa ka ng online trading.

Kung gusto mong mag trade gamit ang iyong Windows Computer, meron din dapat sila nun.

Kung trip mo naman mag trade gamit ang iyong smartphone o tablet, meron din dapat sila nun na mada download mo ng libre kapag may account kana sa napili mong forex broker.

At kung medyo gusto mong mag trade online na walang ini-install na program ay dapat may “web-based” trading platform din sila.

Isa ito sa mga kino konsidera ko sa mga forex brokers bukod sa mga nabanggit ko na para kahit nasaan ako basta may maaasahan lang na “Internet Connection” eh maginhawa magsagawa ng forex trading.

Approval

Bukod sa mga nabanggit sa itaas, isa sa tinitignan ko sa isang broker pagkatapos ng mga nasabi ko sa itaas ay ang sistema ng pag approve nila.

Marami kasing mga brokers na ang hirap magpa approve at ang dami pang mga dokumentong hinahanap.

pangkaraniwan sapagkat sila ay "regulated" at utos ito sa kanila ng sangay ng gobyernong pumapaloob sa kanilang operasyon. Dapat hihingan ka ng "Proof of Residence" at "Proof of Billing".

Kailangan ang "Proof of Residence" at "Proof of Billing" para mapatunayang ikaw ay totoong tao at hindi gawa gawa lamang para magmit ang salapi sa hindi mabuting bagay tulad ng terrorismo at "Money Laundeing".

Kung may passport ka o kahit anong valid ID eh isa ito sa mga hihingin sayo ng iyong forex broker bilang patunay ng iyong pagkatao.

Kung may banko ka o credit card ay hihingan ka din ng "Latest Bank Statement" bilang karagdagang patunay ng iyong katauhan.

Kapag may pagkakaiba sa iyong pangalan at address na ginamit mo sa pag apply mo sa broker mo at sa mga dokumentong iyong sinabmit ay magkakaroon ng problema at baka hindi ka ma approve.

Deposit and Withdrawal

Ito ang pinaka importante para sa akin. Kapag approve na ang iyong application, pwede kana ngayong mag deposito. kadalasan ang hinahanap ko sa isang forex broker ay ang ginhawa ng pag deposito at pag withdraw. Buti nalang, walang problema sa aking broker dahil sumusuporta sila sa maraming klase ng pagpondo tulad ng mga sumusunod:

Bank Wire - Kapag approve na ang account mo, may instructions sila kung paano mo ipapadala ang perang pang pondo mo sa kanilang bangko sa pamamagitan ng Bank Wire o Wire Transfer na tinatawag. Kadalasan tumatagal ng 3-5 araw ang proseso pero sa aking broker, halos isang araw lang. ganun kabilis. nag pondo ako ng umaga, sa hapon eh nasa account ko na ang pera. importante ito para sa akin dahil mainipin akong tao :)

Credit/Debit Card - Kung wala kang bangko pero may credit card ka eh pwede mo din itong gamiting pang pondo.

Paypal - tumatanggap din dapat sila ng Paypal para kung ayaw mong gamitin ang credit card mo eh gumawa kalang ng libreng Paypal account at yun ang gamitin mong pang pondo.

Palibhasa, uso ang mga "scams" o "hacking" sa internet kaya takot ang mga taong gamitin ang kanilang credit card sa pamimili online. Pero sa tulong ng Paypal, may protection ang mga buyers at sellers online laban sa mga masasamang loob at mapagsamantala dahil, imbis ang credit card mo ang gagamitin mong pambili o pambayad online, eh Paypal na para safe. Gumawa kalang ng libreng paypal account at kahit walang laman ang iyong paypal basta nakalagay doon ang iyong credit card, siguradong safe ka dahil sagot ka ng Paypal.

Para sa akin, importante ang tatlong klase ng deposit at withdrawal na nabanggit dahil ako ang taong mahilig mamili online gamit ang Paypal. pag gusto kong pondohan ang aking Paypal account, pwede akong magwithdraw anytime para pondohan ang aking Paypal account. at kung gusto ko naman pondohan ang aking credit card, magagawa ko din ito. At syempre yung ibang kita sa bangko na ang derecho.

Note: karamihan sa mga regulated brokers, hindi ka papapayagang mag withdraw sa bangko kung hindi mo ito nagamit na pampondo. ganun din kung hindi mo ginamit ang credit card o paypal sa pag pondo eh hindi mo din ito pwedeng gamitin pang withdraw.

Protection mo ito laban sa mga masasamang loob. kasi kunyari na hack ang account mo, hindi magagawang i-withdraw ng hacker ang pera mo sa kanilang bangko kasi hindi naman ito nagamit na pang pondo.

kaya yan ang dahilan kung bakit ginagamit kong pareho ang aking bangko, credit card at paypal na pampondo para magmit ko din ito sa aking mga withdrawals.

Since 2008 pa ako sa aking broker, at magpahanggang ngayon, wala akong problema sa deposit at withdrawas ko.

Kaya kung wala kapang broker o gusto mong subukan ang broker ko, hindi ako mahihiyang irekomenda sila sa iyo. Ito ang link, mag register kalang dito: Check it here.
« Last Edit: April 12, 2017, 12:02:07 PM by AdGeek »

AdGeek

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 660
  • Karma: +1/-0
    • View Profile
Re: Ang Negosyo Ng Forex Trading
« Reply #3 on: April 12, 2017, 11:58:09 AM »
Equity, PIP, BID, ASK, Leverage, Margin Atbp

Maraming mga terminolohiyang bumabalot sa mundo ng forex trading at ipapaliwanag ko sayo ang ilan sa mga mahahalagang termino na dapat mong malaman.

Equity – ang tawag sa iyong nakahandang pera habang ikaw ay nagsasagawa ng trading. Kunyari namuhunan ka ng $500. Tapos kumita ka ng $100. So ang total equity mo na ngayon ay $600.00 ganun lang.

Bid – ang tawag kapag ikaw ay bibili. (buy). Kumbaga sa English, gusto mong sabihin na “I want to BID for this price”. Handa kang bumili sa ganitong presyo.

Ask – ang tawag kapag ikaw ay magbebenta. (sell). Kumbaga sa English, gusto mong sabihin na “I ASK for this price”. Handa mong ipagbili sa ganitong presyo.

PIP – “Percentage In Point” ang tawag sa deperensya ng presyo mula sa kasalukuyang presyo ng pagbili o pagbenta mo hanggang sa presyong gusto mo na ulit ipagbili o ibenta.

Kunyari, ang kasalukuyang bid or ask price ay 1.10500 tapos pagkalipas ng ilang sandali ay naging 1.10600 na ito.

1.10600 -1.10500 = 0.001 pips

At lumiliit o lumalaki ang halaga ng isang PIP depende sa trade size.

Trade size – ito yung halaga ng salapi na gusto mong ibenta o bilhin. Gusto mo bang bumili ng 1,000 euro? O magbenta ng 5,000 euros? 10,000 euros? 1 million euros? Mga ganun ba.

may video demo ako sa ibaba para malinawagan ka sa mga sinabi at sasabihin ko pa.

So kunyari, sa halimbawa sa itaas, kung 10,000 (10K) ang trade size na gusto mo, lalabas na ang halaga ng 0.001 pips ay $10.00. Paano?

0.001 X 10,000 = $10.00!
Eh paano kung 100K ang trade size na pinili mo?
0.001 X 100,000 = $100.00!
Eh paano kung 500K ang trade size na napili mo?
0.001 X 500,000 = $500.00!
Again, hindi ka naman papayagan mag open ng position sa trade size na gusto mo kapag hindi sapat ang margin na kinakailangan.

Leverage – ito ang sekreto sa pagyaman ng iilan at pagkapulubi ng karamihan. Sa tamang paggamit, yayaman ka ng biglaan. At sa maling paggamit, ubos ang puhunan mo sa isang iglap lang.

At para madaling maintindihan, mag halimbawa tayo.
Kunyari, ang palitan ng Euro kontra Usd ay naglalaro sa presyong 1.06030 sa kasalukuyan.

At  gusto mong bumili ng 10,000 euros. (ito ang trade size na napili mo)
Kung walang leverage, kakailanganin mo ng equity na nagkakahalaga ng $10,603.00 dollars para lang makabili ka ng 10,000 Euros…

Tama? (“one is to one” (1:1) leverage ang tawag dito)
Eh kung ang equity mo lang ay $10.00 dollars, makakabili kaba ng 10,000 euro?

Syempre hindi, diba?

Pero sa bisa ng leverage, makakabili ka ng 10,000 euros kahit $10.00 lang ang pera mo kapag ang broker mo ay magbibigay sayo ng 1:500 leverage! (“one is to five hundred”)
Sa madaling salita, pauutangin ka ng forex broker mo ng kapupunan para makapag trade ka sa trade size na gusto mo kapag may sapat kang “margin”.

Margin – ang tawag sa perang handa mong ilaan para payagan kang makapag “open” ng position.  (tignan ang halimbawa sa ibaba para sa mas malinaw na paliwanag)

Position “Open” at ‘Close” – kapag pinindot mo ang BUY button sa iyong trading platform para makapag BUY ka sa BID price na gusto mo at tinanggap ito ng market dahil may tao sa kabilang mundo na handang mag SELL sa iyo sa ASK price nya ay pasok kana sa market! Simula na ng trading at ikaw ngayon ay may tinatawag na “open” position.

kapag may “open” position ka, nakataya ang iyong equity at ang iyong margin.

Kapag umayon sayo ang pagkakataon dahil tama ang hinala mong tataas pa ito kaya ka nag BUY ay patuloy kang magkakamal ng salapi. Patuloy kang magkakamal ng malaking kita hanggang hindi mo sinasara (close) ang iyong position kahit pa ilang taon pa ang lumipas.

Subalit kapag bumaliktad ang sitwasyon, at akala mo ay tataas pa kaya ka nag BUY pero bigla pala itong bumaba. At dahil pababa na ng pababa kaya patuloy na mababawasan ang iyong equity. Patuloy kang magkakamal ng malaking pagkatalo hanggang hindi mo sinasara (close) ang iyong position o di kaya ay abutan ka ng “margin call” dahil kinain na ang inilaan mong “margin”.

Halimbawa:
Kunyari, nag BUY ka ng 10,000 EUR/USD sa BID price na 1.10500
Tapos, ilang sandali lang ay naging 1.10600 na ang presyo nito.
So dahil nabili mo lang sa presyong 1.10500 kani-kanina, pede mo na ngayong ibenta (SELL) para kumita ka ng 10 points o 10 PIPs kung tawagin sa mundo ng forex trading.
1.10600 – presyo makalipas ang sandali mula ng pagkabili mo
1.10500 – presyo ng pagkabili mo kani-kanina lang

1.10600 – 1.10500 = 0.001 pips
0.001 X 10,000 trade size = 10 pips price difference

At dahil 10,000 ang trade size na pinili mo, ang bawat PIP ay nagkakahalaga ng $1.00 (one dollar).
At dahil kumita ka ng 10 pips, kumita ka ng $10.00 dollars.

ECN o MT4?

Sa pag open mo ng account, tatanungin ka kung anong account ang gusto mo. ECN ba o MT4 (o MT5)?

Naka depende ang mga commission o spread sa klase ng account na gusto mong buksan sa napili mong broker.

Sa madaling salita, ito yung mga kaltas na ibinabawas sa trade mo kapag nanalo ka at idinadagdag sa trades mo kapag talo ka.

Halimbawa sa MT4/MT5:

Nag trade ka sa currency pair na Euro at Usd (EUR/USD) at sa MT4, ang spread ay 1.5 kunyari.
Ang kasalukuyang presyo kunyari ng EUR/USD ay 1.10000 tapos bumili ka sa current market price.
Makikita mo sa iyong MT4 trading platform na hindi ka sa presyong 1.10000 nakabili kundi sa presyong 1.00015 at dahil ito ang kasalukuyang presyo kasama ng 1.5 points na tinatawag na “spread’.
1.00000 – the current market price you want to enter
0.00015 – the current spread (1.5 points divided by 10000)
1.00015 – your entry price

Ang “spread” ang deperensya ng ‘BID” price at ng “ASK” price. “Bid” ang tawag kapag bibili ka (BUY) at “Ask” naman ang tawag kapag magbebenta ka (SELL).
Kaya pagpasok mo palang sa market, negative ka agad ng 1.5 points kahit bumili kapa o magbenta. Laging talo agad dahil sa spread.
Tsaka ka palang mag break even kapag ang presyo ay nasa 1.00015 na.
At depende sa mga brokers, mayroong tinatawag na  “floating spread” o yung pabago bagong deperensya ng bid at ask price. Minsan mababa at minsan naman mataas. at meron namang “fixed spread”.

Halimbawa naman sa ECN:

Nag trade ka sa currency pair na Euro at Usd (EUR/USD) at sa ECN, ang floating spread ay 0.20 lang at may dagdag na commission na nagkakahalaga ng $0.45 sa kada 10k open position  at close position .

Ang kasalukuyang presyo kunyari ng EUR/USD ay 1.10000 tapos bumili ka sa current market price.
Makikita mo sa iyong ECN trading platform na hindi ka sa presyong 1.10000 nakabili kundi sa presyong 1.00020 at dahil ito ang kasalukuyang presyo kasama ng 0.2 points na tinatawag na “floating average spread’.

1.00000 – the current market price you want to enter
0.00020 – the current spread (0.20 points divided by 10000)
1.00020 – your entry price

Ang “spread” ang deperensya ng ‘BID” price at ng “ASK” price. “Bid” ang tawag kapag bibili ka (BUY) at “Ask” naman ang tawag kapag magbebenta ka (SELL).

Kaya pagpasok mo palang sa market, negative ka agad ng 1.5 points kahit bumili kapa o magbenta. Laging talo agad dahil sa spread.

Para mas malinaw, panoorin mo nalang ang video demostration ko sa ibaba gamit ang aking ECN broker.



O ayan. nasabi ko na ang mga kailangan mong malaman para makapagsimula ka sa negosyo ng forex trading. at kung may mga katanungan kapa, mag comment kalang sa ibaba at kapag may oras ako, sasagutin kita.

Pede mo din akong tanungin sa Skype. add mo lang ako bilang "forextradingdailyprofits" at magtanong ka doon.

Good luck and happy trading ;-)

PesoRepublic.com | Your smart guide to money matters and entrepreneurship.

Re: Ang Negosyo Ng Forex Trading
« Reply #3 on: April 12, 2017, 11:58:09 AM »

 

Related Topics

  Subject / Started by Replies Views Last post
11
3192
Last post November 18, 2016, 12:35:35 PM
by BusinessManPH
8
1204
Last post August 03, 2014, 09:39:40 PM
by AdGeek
16
2073
Last post November 24, 2016, 01:03:05 PM
by CorporateCorps
0
547
Last post September 12, 2013, 12:39:30 AM
by GreenMoney
0
215
Last post August 19, 2016, 01:11:43 PM
by AdGeek

Posting Disclaimer: Any individual may post a message in this forum and may do so anonymously. Therefore, the sole author is exclusively and entirely responsible for all opinions in that message. They do not represent the official opinions of PesoRepublic , its administrators or moderators or the PesoRepublic Management. PesoRepublic is merely acting as an impartial conduit for constitutionally protected free speech and is not responsible and will not be held liable for the content of such messages. Community & Groups - Top Blogs Philippines