Author Topic: PAANO NGA KAYA MAKAKATIPID ANG MGA BALIKBAYAN PAG UMUWI SA PINAS?  (Read 1793 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

PinoyLife

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 125
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
PAANO NGA KAYA MAKAKATIPID ANG MGA BALIKBAYAN PAG UMUWI SA PINAS?
« on: September 02, 2012, 02:04:25 AM »
PAANO NGA KAYA MAKAKATIPID ANG MGA BALIKBAYAN PAG UMUWI SA PINAS?

Akala kasi ng iba mayaman ang isang OFW ang di alam ng iba pambayad lang talaga sa utang yung mga dinadala namin pag uwi... kayo ba?  baka meron naman kayong tip para makatipid pag nag babalik pinas.

Sa mga gusto mag share maraming salamat.


Your smart guide to money matters and entrepreneurship";}

PesoRepublic.com | Your smart guide to money matters and entrepreneurship.

PAANO NGA KAYA MAKAKATIPID ANG MGA BALIKBAYAN PAG UMUWI SA PINAS?
« on: September 02, 2012, 02:04:25 AM »

Mountain View

PinoySpecialist

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 135
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Re: PAANO NGA KAYA MAKAKATIPID ANG MGA BALIKBAYAN PAG UMUWI SA PINAS?
« Reply #1 on: September 02, 2012, 02:07:33 AM »
Pag umuwi ka kasi galing abroad, ang tingin ng mga tao sa paligid mo eh marami kang uwing pera. Kaya syempre pag-uusapan ka ng mga kamag-anak at kapitbahay mo.

Ito naman si balik-bayan, parang lumulutang sa hangin ang pakiramdam at gustong makapag yabang. Kaya kung minsan kahit sagad na ang budget pilit gagawa ng paraan para makapag yabang. Kasabihan nga, maubos na raw ang yaman huwag lang ang yabang.

Kailangan talaga pag umuwi, naka budget na ang expenses para sa vacation at huwag na lalagpas doon. As always, live withtin your means.

Sa karanasan ko noong nag overseas work pa ako sa Middle East, pag-umuwi ako eh hindi ako nagpapa sundo sa isang jeep na mga relatives. At pag naka-uwi na ako sa amin, kinabukasan eh nasa bukid na ako pagdating ng hapon me bitbit na ako mga kung anu-ano halimbawa niyog, saging at kung ano pang prutas meron sa bukid. Pag-uwi ko sa bahay namin, syempre marungis ang suot ko at maputik ang mga paa ko (syempre nag-iisip siguro sila kung panalo ba ang biyahe ko) . Sabi ng isang kapitbahay ko akala nya daw eh nasa Saudi ako, kako kahapon eh nasa Saudi pa ako, ngayon eh andito na ako. Me nakararating sa aking kwento. Ibang-iba raw ang ugali ko. Yung iba raw na galing Saudi, pag-uwi eh nakatambay sa kanto at naninigarilyo, naka bihis, todo sunglass kahit hindi naman maaraw at naninilaw kasi suot lahat ng gintong alahas. Natawa na lang ako sa sarili ko, sila yun hindi ako. Kaya lang, kwento rin nila, hindi pa raw tapos ang bakasyon eh nagsa-sangla na ng mga alahas at gamit kasi malamang naubusan na ng budget kasi akala mo pulitiko kung gumastos pag nalalapit na ang eleksyon.

Dagdag pa dyan, pag bagong uwi ka, takbuhan sa iyo ang mga mangungutang or magsa-sangla ng mga assets. Kwidaw kayo sa mga ahente, maraming balasubas sa mga transakyon ng mga yan. Alamin nyong mabuti ang collateral nila kung maayos ba. Otherwise, ma trap kayo kasi maaaring naka-sangla na yan sa iba.

Ang point ko, nagtitiis tayo ng hirap at inip malayo sa ating pamilya habang nasa abroad. Wala tayong obligasyon sa mga relatives, friends at kapit bahay natin di ba? So bakit kailangan natin i-priority  sila sa gastos? Anyway, nasa sa inyo yan, kung sobra sobra nga ba ang kita nyo eh hindi masama ang mag share.

Ken312

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 155
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Re: PAANO NGA KAYA MAKAKATIPID ANG MGA BALIKBAYAN PAG UMUWI SA PINAS?
« Reply #2 on: September 02, 2012, 02:08:17 AM »
Well eto ang opinyon ko dyan. Talaga siguro ganun ang mentality ng mga pinoy pag dating sa mga OFW. akala talaga nila mayaman. Dahil hindi talaga mawala sa mga OFWs ang mag-uwi ng pasalubong, ugaliing mamili ng paunti-unti at wag biglaan para hindi masyadong mabawasan ang budget kung kelan pauwi. Based on personal experience, ang style na ginagawa ko is kapag napapadaan sa grocery stores/department stores kumukuha ng promo booklet.Tapos titignan kung merong mga sale items na pwedeng pasalubong tulad ng chocolates, sabon, shampoo...etc. tapos bumili ng tingi at wag masyadong marami para hindi naman maapektuhan ang budget. Siguraduhin lang na tinignan mo ang expiration date lalo ng mga pagkain na hindi aabot sa planong date ng uwi. Mga more than 1 year na allowance sa expiration date mas maigi... Pagkaraan ng mga ilang buwan na ganito ang gawin mo, hindi mo mamamalayan marami ka na palang naipon na pasalubong. Pagdating ng araw ng uwi mo wala ka na halos bibilhin.

Bago siguro umuwi maglaan lang ng specific na amount na gagastusin pagdating sa Pinas. Mas magiging effective kung meron kang gawing budgeting na kahit simpleng excel lang..Parang early plan ng mga expenses mo sa Pinas. Maglaan ng mga 10% ng total budget for emergency. At hanggat maari wag mag-uwi ng excess na pera para hindi ma-temp mag over spend. Kapag hindi nagamit ang budget for emergency wag na wag galawin para sa mga unplanned expenses. Pwede idagdag ito sa budget for the next na uwi mo. Ang importante sa lahat stick to budget pagdating dun.

Kung malapit lang sa Philippine Embassy mas pabor siguro na kumuha na agad ng OEC bago pa umuwi. Iwas hassle ka pa sa pila ng POEA. 3 months namang valid ang OEC kaya kung di rin lang lalagpas sa ganung araw ang bakasyon kumuha ka na agad.

Laging maging alerto pagdating sa flight details dahil may mga cases na hindi natitignan maigi ang flight details at naiiwanan ng eroplano. Dagdag gastusin ang rebooking at hassle din sayo.
« Last Edit: September 02, 2012, 02:11:04 AM by Ken312 »

MotherTouch

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 210
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Re: PAANO NGA KAYA MAKAKATIPID ANG MGA BALIKBAYAN PAG UMUWI SA PINAS?
« Reply #3 on: September 02, 2012, 02:14:37 AM »
tuwing umuuwi asawa ko... talagang nasa akin ang pera nya... ako nagmamanage ng finances sa amin. di kasi magaling mag handle ng pera mister ko e... sabi ko kanya pag uuwi at bibili ng pasalubong kahit dito nalang sa Pilipinas. marami namang ukay ukay at sa palengke.... kunyari nalang made in the US or sa abroad... dba? practical na kasi tayo dba?

Yung pera na iuuwi nya yun nalang pambayad sa tuition fee ng mga anak namin. tapos investment sa business  ;D ;D

Kayo ba ano ginagawa nyo?
« Last Edit: February 11, 2013, 09:49:50 AM by MotherTouch »

WorldPerksPH

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 368
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Re: PAANO NGA KAYA MAKAKATIPID ANG MGA BALIKBAYAN PAG UMUWI SA PINAS?
« Reply #4 on: September 02, 2012, 02:37:23 AM »
Just sharing tips that hopefully can help....Applicable eto sa lahat ng OFW. Matutong magtipid.

Kapag nasa Pinas na, wag masyadong magyabang sa mga kamag-anak. Hanggat maari maging low profile lang. Mas pipiliin kung masabihang kuripot kesa sa butas ang bulsa at pagdating ng ilang araw eh wla nang panggastos sa mga importanteng bagay. Meron kasabihan sa amin na "One Day Millionaire, One Day Mantinir". Iwasan ang ganito.. Stick to the budget dapat. Hangga't maari wag magdala ng credit card na galing sa bansa kung saan ka galing dahil doble gastos lang dahil sa charges.

If yung ticket allowance ay cash out, mas makakatipid kung mag book ng mas maaga. On some cases medyo mahirap lalo na kapag hindi mo assured ung date ng uwi dahil kadalasan ng promo airfares ay non-refundable and non-rebookable.  Mas mainam na kausapin ang boss at kasamahan na magiging karilyebo at magkasundo na sa date ng bakasyon ng bawat isa.

Kapag madaming dala at hindi na kasya sa baggage allowance ng airline mas mainam na ipadala nalang sa cargo services mga 1-2 months before ng scheduled na uwi. Iwas hassle pa pagdating sa airport dahil iwas excess baggage. Hanggat maari iwasan na tumanggap na mga padala galing sa mga kasamahan. Yung mga kasamahan lang na pinapadalhan din ang tanggapin. Di ka pa hassle pag-uwi para mag deliver ng mga padala. Dagdag gastos din yung travel mo para ihatid ung mga pinadala. Kapag naman kinuha sa bahay eh syempre papakainin mo din un dahil bisita.


Check it here.

Click the image to learn more...

WorldPerksPH

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 368
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Re: PAANO NGA KAYA MAKAKATIPID ANG MGA BALIKBAYAN PAG UMUWI SA PINAS?
« Reply #5 on: February 11, 2013, 09:52:13 AM »
dapat talaga kahit na kumikita ka ng malaki kelangan low profile pa din para di ka uutangan ng mga kaibigan mo..

ang mahirap kasi pag pinaalam mo lahat ng kamag-anak mo may chance na mangutang e...  this is based from the stories of my friends. well lesson learned din talaga.


Check it here.

Click the image to learn more...

AdGeek

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 660
  • Karma: +1/-0
    • View Profile
Re: PAANO NGA KAYA MAKAKATIPID ANG MGA BALIKBAYAN PAG UMUWI SA PINAS?
« Reply #6 on: February 16, 2013, 12:01:14 PM »
Kelangan mag self allotee ka O0

Sent from my Lenovo P700 using Tapatalk 2

PesoRepublic.com | Your smart guide to money matters and entrepreneurship.

Re: PAANO NGA KAYA MAKAKATIPID ANG MGA BALIKBAYAN PAG UMUWI SA PINAS?
« Reply #6 on: February 16, 2013, 12:01:14 PM »

 

Related Topics

  Subject / Started by Replies Views Last post
1
1087
Last post June 04, 2014, 09:29:56 AM
by MotherTouch
1
1035
Last post July 08, 2013, 02:45:39 PM
by WorldPerksPH
0
803
Last post August 21, 2012, 05:42:40 PM
by AdGeek
3
2591
Last post February 10, 2014, 03:49:08 PM
by WorldPerksPH
2
865
Last post June 23, 2014, 09:41:42 AM
by PinoySpecialist

Posting Disclaimer: Any individual may post a message in this forum and may do so anonymously. Therefore, the sole author is exclusively and entirely responsible for all opinions in that message. They do not represent the official opinions of PesoRepublic , its administrators or moderators or the PesoRepublic Management. PesoRepublic is merely acting as an impartial conduit for constitutionally protected free speech and is not responsible and will not be held liable for the content of such messages. Community & Groups - Top Blogs Philippines