Author Topic: UNDER SPECIAL INVESTIGATION : UTANG  (Read 480 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

AdGeek

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 660
  • Karma: +1/-0
    • View Profile
UNDER SPECIAL INVESTIGATION : UTANG
« on: June 24, 2012, 05:28:21 PM »
PROGRAM TITLE : UNDER SPECIAL INVESTIGATION
EPISODE # 811 : UTANG (NATIONAL DEBT)
AIRING DATE : FEBRUARY 19, 2012

SUSUNOD SA USI -- Uusisain ng USI ang buhay ng mga babaeng umiikot ang mundo kasabay ng pag-ikot ng kanilang mga utang.
Walang kaabog-abog na inamin ni Josephine na siya'y dakilang mangungutang. Napasali na siya sa mga lending, nakautang na rin sa koop, nahilig sa 5-6 at iba pa. Isa lang naman ang hangad niya sa buhay: ang mapagtapos ang mga anak, at makaraos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Minsan na ring napa-baranggay dahil naging guarantor ng mangungutang na di na nakabayad. Ngayon, nagsisilbi sa kanilang barangay bilang lupon na taga-ayos ng problema ng mga kapitbahay tungkol sa utang.

Araw-araw kung dumaan ang lahat ng naniningil kay Josephine. Kaya naman kahit mamasyal, di na niya magawa. May schedule ang bawat kolektor—ang pinakahuli sa kanila, si Fredo.

Si Fredo ang pinakakilalang nagpapautang sa lugar na ito. Sakay sa kanyang motor, siya mismo ang nagbabahay-bahay para kolektahin ang perang pinaikot sa mga ka-baranggay.

Asensado na si Fredo. Bukod sa pagpapautang, may sideline pa ito—nagpapautang rin ng kilo-kilong baboy, bote-bote ng sabon at galon-galon ng tubig.

Pero di lahat ng nagpapautang, umaasenso kagaya ni Fredo. Si Elvie, kilala ring nagpapautang sa kanilang lugar sa Caloocan. Dating may tindahan, nagkaroon ng maliit na negosyo kung saan siya ang nagmistulang maliit na kooperatiba ng mga kapitbahay. Pero di niya namalayan, unti-unti na pala siyang nalulubog sa kumunoy ng utang.

Ang mga buhay na ito, pinagtahi-tahi ng isang mapait na katotohanan: hindi sapat ang kita, kaya kailangang mangutang.

Sa pagpapatuloy ng serye ng tumatalakay sa mga isyu ng bayan, samahan ang USI sa kanilang pagsilip sa mga buhay ng mga taong nabubuhay—at halos mamatay na kababayad ng utang.

ISYU NG BAYAN: UTANG sa Under Special Investigation, February 19, 2012, Linggo, 7 at 10 pm sa AksyonTV at 10:15 pm sa TV5. Panoorin rin ang replay ng mga nakalipas na mga episode tuwing Martes, 4 am sa TV5.


USI (Under Special Investigation) UTANG "CREDIT"

PesoRepublic.com | Your smart guide to money matters and entrepreneurship.

UNDER SPECIAL INVESTIGATION : UTANG
« on: June 24, 2012, 05:28:21 PM »

Mountain View

 

Related Topics

  Subject / Started by Replies Views Last post
2
985
Last post November 16, 2012, 11:24:54 AM
by MotherTouch
1
1035
Last post July 08, 2013, 02:45:39 PM
by WorldPerksPH
0
737
Last post July 15, 2012, 03:17:18 PM
by IntraLover
2
905
Last post February 25, 2013, 04:28:59 PM
by GreenMoney

Posting Disclaimer: Any individual may post a message in this forum and may do so anonymously. Therefore, the sole author is exclusively and entirely responsible for all opinions in that message. They do not represent the official opinions of PesoRepublic , its administrators or moderators or the PesoRepublic Management. PesoRepublic is merely acting as an impartial conduit for constitutionally protected free speech and is not responsible and will not be held liable for the content of such messages. Community & Groups - Top Blogs Philippines