Author Topic: Criminal Modus Operandi!  (Read 1006 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

AdGeek

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 662
  • Karma: +1/-0
    • View Profile
Criminal Modus Operandi!
« on: June 12, 2012, 12:08:47 AM »
Criminal Modus Operandi!


Ano: Organized Snatching (minors)
Saan: E. Rodriguez Ave. Cor. Araneta Ave. QC
Kailan: 5/28/2012, 1900hrs

Ang biktima nila eh mga jeepney na nasa kanto mismo ng araneta at e.rodriguez. Kapag nakahinto na ang jeep (dahil sa stoplight), merong limang bata, oo bata, na lalapit sa jeep niyo, yung dalawa sa kaliwang parte ng jeep, yung dalawa sa kanan, at yung isa sasakay sa likod.

Ang gagawin nung sumakay sa likod eh sisigaw, kakanta, sasayaw, sa madaling salita, kukunin ang atensyon mo. Habang lahat ng pasahero ay nakatingin dun sa bata na sumakay, maghahanap na ng mabibiktima yung apat sa dalawang panig ng jeep.

Ang gagawin nila eh sasampa sa gilid at ipapasok ang kanilang mga kamay sa bintana para dukutin ang cellphone, mp3 player, o kahit anong pwedeng mabenta sa malaking halaga.
Pero malamang ang primerang biktima nila eh ang mga babaeng nagtetext sa jeep. Tyine-tyempuhan din nila na "Go" na ang stoplight para kung mayroon silang makuha eh walang tyansang bumaba at habulin sila ng biktima nila.

Ngayon ko lang napansin na organisado na sila, dahil yung nakikita ko sa Blumentritt, Manila eh bara bara, nag iisa o dalawang bata nag aabang ng nakahintong jeep tapos hahablutin nalang bigla...
Pero ito may senyasan pa silang nalalaman at talagang may balak.

Posible rin armado sila dahil may nakita akong bagay, kutsilyo siguro, na nakaplastic at naka ipit sa shorts nung bata . Wala silang suot na damit, kasi yung damit nila eh ginawa nilang pantakip sa mga muka nila. Doon palang alam mo nang may balak, di ba?


Kaya mag-iingat kayo sa loob ng jeep lalo kapag naka hinto ito at may mga umaaligid sa pagilid nito.

paki kalat nalang po pati sa facebook: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=3784388162250&set=a.1143750507959.22214.1053367515&type=1&ref=nf

reposted

PesoRepublic.com | Your smart guide to money matters and entrepreneurship.

Criminal Modus Operandi!
« on: June 12, 2012, 12:08:47 AM »

Mountain View

 

Related Topics

  Subject / Started by Replies Views Last post
3
1108
Last post April 23, 2012, 05:33:50 PM
by NeoGemini
6
2266
Last post April 23, 2012, 06:22:54 PM
by IntraLover
2
2703
Last post June 13, 2014, 11:53:52 AM
by RichPoorDad
1
1200
Last post May 04, 2012, 12:41:55 AM
by Yaneeboi

Posting Disclaimer: Any individual may post a message in this forum and may do so anonymously. Therefore, the sole author is exclusively and entirely responsible for all opinions in that message. They do not represent the official opinions of PesoRepublic , its administrators or moderators or the PesoRepublic Management. PesoRepublic is merely acting as an impartial conduit for constitutionally protected free speech and is not responsible and will not be held liable for the content of such messages. Community & Groups - Top Blogs Philippines