Author Topic: Ano ibig sabihin ng STOCK MARKET?  (Read 93 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

WorldPerksPH

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 367
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Ano ibig sabihin ng STOCK MARKET?
« on: April 17, 2017, 04:50:19 PM »
Mahilig tayo manood ng balita sa TV, pero kapag napupunta na sa business news ang balita at pinaguusapan na ang stock market, nililipat na natin ang channel kasi wala tayong maintindihan sa mga pinagsasabi ng reporter, at kung ano ba yung mga numerong umaandar na may iba’t ibang kulay.

Ano Ba Ang Stock Market?

“The stock market is a place where shares of stock of publicly-listed companies are bought and sold.”

Paghimayin natin ang nasa itaas.

The stock market is a place…

Ang stock market ay isang palengke na medyo sosyal. At gaya ng isang palengke, may mga tindero’t tindera rin dito. Pero imbes na karne, gulay, isda, at prutas ang paninda nila, ang mabibili mo dito ay ang tinatawag na stocks.


The Philippine Stock Exchange Trading Floor
Dito sa atin, ang Philippine Stock Market ay matatagpuan sa Philippine Stock Exchange o PSE sa Ortigas at sa Makati. Dati, ang stock market ay para talagang palengke kasi nagsisigawan ang mga tao at kailangan nilang gumamit ng mga hand signals para magkaintindihan sila sa gitna ng mga sigawan. Pero computerized na sila ngayon kaya wala nang sigawan.

Ang PSE ay nagbubukas ng 9:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, at magpapatuloy ito mula 1:30 hanggang 3:30 ng hapon.

…where shares of stock…

Ang stock ay isang bahagi ng pagmamay-ari o ownership sa isang kumpanya. Isa lang ang ibig sabihin ng stock, share, or shares of stock. Kapag ikaw ay bumili ng stocks sa isang kumpanya, ikaw ay magiging isa sa mga may-ari nito. Ang tawag sa’yo ngayon ay isang stockholder o shareholder. At bilang isa sa mga may-ari, ikaw ay makakakuha ng dividend o bahagi ng kita ng kumpanya. Naipaliwanag ko dito ang stocks bilang isa sa mga investment vehicles.

…of publicly-listed companies are bought and sold.

Ang mga publicly-listed na mga kumpanya lang ang pwedeng magbenta ng stocks. Para maging “public” ang isang kumpanya, kailangan nitong mag apply sa Philippine Stock Exchange. Ang PSE ang responsable sa screening ng kumpanya para matiyak na ito ay legal, may track record ng negosyo, at hindi bigla biglang mawawala. Sa ngayon, meron nang 288 na mga kumpanya ang nasa listahan ng PSE at dumadami ito bawat taon. Makikita mo ang listahang ito dito.

So, kapag may mabasa ka o marining na, “Company ABC goes public”, ang ibig sabihin nito ay nagbebenta na sila ng shares sa publiko. But why do companies go public? Well, para magkaroon sila ng dagdag na puhunan para matugunan ang kanilang paglaki. Ang isang kumpanya na lumalaki ay lumalaki din ang gastos. Pwede silang mangutang sa bangko o kaya ay mag issue ng bonds (tinalakay ko ang bonds dito). Yun nga lang, madadagdagan ang gastusin nila dahil sa interest ng inutang nila. Para maiwasan nilang magkautang, maghahanap sila ngayon ng mga investors sa pamamagitan ng pagbebenta ng stocks.

How The Stock Market Works
How The Stock Market Works
Ang tawag naman sa mga tindero’t tindera ng stocks ay brokers o stockbrokers. Sila lang ang binigyan ng authority ng PSE para bumili at magbenta ng mga shares of stocks sa mga investors na katulad natin. Sa kanila lang tayo pwedeng bumili. May ilang kumpanya na binibigyan ang kanilang mga empleyado ng stock options bilang isa sa mga benefits nito, pero sa pangkalahatan, pwede ka lang bumili at magbenta ng stocks sa isang broker.

May dalawang klase ng brokers: ang live broker at ang online broker.

Live Broker

Ang live broker ay isang licensed professional na hahawak sa ‘yong mga stocks. S’ya ang tatawagan mo kapag may gusto kang bilhin o ibentang stocks.

Pro:

Pwede ka n’yang mabigyan ng payo tungkol sa iyong investment.
Cons:

Mas mataas ang transaction fees — up to 5% — dahil kasama dito ang komisyon.
At dahil may komisyon, meron itong minimum na investment requirement na pwedeng umabot sa ilang milyong piso.
Online Broker

Sa online broker naman, ikaw mismo ang bibili at magbebenta ng iyong mga stocks sa pamamagitan ng computer na may internet access.

Pros:

Sobrang baba ng transaction fees — for as low as 0.25%.
Pwede ka nang mag invest sa halagang P5,000.
Meron silang samut-saring mga reports at mga information sa bawat publicly-listed companies na makakatulong sa iyong desisyon kung saang mga kumpanya ka mag i-invest.
Con:

Ikaw mismo ang bibili o magbebenta ng iyong mga stocks, so kailangan mong mag aral ng kaunti.
Maraming online broker dito sa Pilipinas pero para sa akin, ang CitisecOnline ang the best. Sila kasi ang pinakamalaking online broker ngayon sa buong bansa. Marami silang mga research, reports, at mga information sa bawat kumpanya. Meron silang listahan ng mga kumpanyang nire-recommend nila para sa ating mga long-term investors. Meron din silang mga libreng seminar bawat linggo sa Ortigas kung paano mag invest sa stock market. Pwede mo rin silang imbitahan sa inyong probinsya para mag conduct ng seminar doon. But wait, there’s more! Ang CitisecOnline ay isa ring publicly-listed company, kaya pwede ka ring bumili ng stocks nila. Saan ka pa?!

Disclaimer: Hindi po ako empleyado o ahente ng CitisecOnline. Hindi rin ako binabayaran (wish ko lang! hahaha) para i-recommend ko sila sa inyo. Isa lang akong happy and satisfied customer


Check it here.

Click the image to learn more...

PesoRepublic.com | Your smart guide to money matters and entrepreneurship.

Ano ibig sabihin ng STOCK MARKET?
« on: April 17, 2017, 04:50:19 PM »

Mountain View

BusinessManPH

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 260
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Re: Ano ibig sabihin ng STOCK MARKET?
« Reply #1 on: July 03, 2017, 04:25:17 PM »
thanks sa pagpost... pero in layman's term paano mo sya iexplain sa mga ordinaryong tao lang?

WorldPerksPH

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 367
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Re: Ano ibig sabihin ng STOCK MARKET?
« Reply #2 on: July 03, 2017, 04:26:25 PM »
eto ang pagbili at pagbenta ng 'stock' or 'equity' or pag aari sa merkado.


Check it here.

Click the image to learn more...

PesoRepublic.com | Your smart guide to money matters and entrepreneurship.

Re: Ano ibig sabihin ng STOCK MARKET?
« Reply #2 on: July 03, 2017, 04:26:25 PM »

 

Related Topics


Posting Disclaimer: Any individual may post a message in this forum and may do so anonymously. Therefore, the sole author is exclusively and entirely responsible for all opinions in that message. They do not represent the official opinions of PesoRepublic , its administrators or moderators or the PesoRepublic Management. PesoRepublic is merely acting as an impartial conduit for constitutionally protected free speech and is not responsible and will not be held liable for the content of such messages. Community & Groups - Top Blogs Philippines