Author Topic: INITAL PUBLIC OFFERING NEWS IN THE PHILIPPINES  (Read 447 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

GreenMoney

  • Living a green body in an ungreen world
  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 465
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
INITAL PUBLIC OFFERING NEWS IN THE PHILIPPINES
« on: June 13, 2016, 04:43:21 PM »
 Initial Public Offering (IPO) ... pag may nabalitaan kayo. post nyo lang dito ha.

PesoRepublic.com | Your smart guide to money matters and entrepreneurship.

INITAL PUBLIC OFFERING NEWS IN THE PHILIPPINES
« on: June 13, 2016, 04:43:21 PM »

Mountain View

NeoGemini

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 262
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Re: INITAL PUBLIC OFFERING NEWS IN THE PHILIPPINES
« Reply #1 on: June 13, 2016, 04:47:06 PM »
curious ako malaman yan, ano ba ibig sabihin ng IPO at bakit meron nyan?

GreenMoney

  • Living a green body in an ungreen world
  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 465
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Re: INITAL PUBLIC OFFERING NEWS IN THE PHILIPPINES
« Reply #2 on: June 13, 2016, 04:50:38 PM »
Acronym ng IPO ay “Initial Public Offering” -ibig sabihin nyan e ang isang private kumpanya na limitado lang ang pag-aari o ownership ng ilang kapitalista ay nagpasyang gawing pampubliko na ang pag-aari sa pamamagitan ng pagbenta ng shares of stocks sa publiko.  Halimbawa, kung 1 or 5 lang ang may-ari ng isang kumpanya, para makakuha sila ng mas malaking kapital para mapondohan nila ang kanilang paglaki o expansion, ginagawa na nilang public corporation ang negosyo para ang publiko na may pera ay maaari na ring maging may-ari ng kumpanyang iyon, kaya maaari nang maging 1,000 ang may-ari.

Halimbawa, ang Meralco noong araw ay limited private company.  Ang may-ari ay ang Lopez family lamang .  Subalit nagpasya silang gawing public corporation ang kumpanya noong 1991 nang ipatala nila ito sa Philippine Stock Exchange; kaya puede na ngayong ang ordinaryong mamamayan, kung may pera siya, ay bumili ng shares of stocks sa Meralco kaya nagiging may-ari na rin siya nito.  Dependa sa kita ng Meralco, binibigyan ng kumpanya ang lahat ng maraming may-ari ng dibidendo o kita.
Halimbawa kung may P100,000 pera ka, at bumili ka ng shares of stocks, maaari kang tumanggap ng dibidendong P1000-P5000 sa bawat taon.  Kung minsan naman, sa halip na pera ang dibidendo mo, maaaring ibigay sa iyo ay dibidendong shares, ibig sabihin lumalaki ang dami ng shares na inaaari mo sa kumpanya.  Kung ayaw mo na maging may-ari, puede mong ibenta ang shares mo sa mga gustong bumili.  Pag tumaas ang halaga ng shares mo dahil sa galing ng performance ng kumpanya, iyong P100,000 mong initial kapital na ipinambili ay maaari mong ibenta ng P150,000 o P200,000, depende sa ganda ng presyo ng shares ng Meralco.

Depende sa ganda ng ekonomya ng Pilipinas.  Kung bumili ka ng P100,000 worth of shares sa taon na ito, 2 taon mula ngayon, maaaring maging P200,000 na ang halaga ng shares mo dahil maganda ang takbo ng Meralco at Philippine economy.  Ibenta mo na, may tubo ka nang P100,000.  Pero posible na 2 taon mula ngayon, bumaba ang halaga ng shares sa P50,000 na lang dahil masama ang patakbo ng Meralco at Philippine economy.  Lugi ka ng P50,000.   Kaya parang sugal ang stock market dahil hindi ikaw ang may kontrol ng performance ng puhunan mo kundi nasa kamay ng ibang tao.

BusinessManPH

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 260
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Re: INITAL PUBLIC OFFERING NEWS IN THE PHILIPPINES
« Reply #3 on: June 13, 2016, 04:55:44 PM »
guys, what do you think about haven? ok kaya eto?

"The Philippine Stock Exchange on Thursday approved the P787-million initial public offering of Golden Haven Memorial Park."

On the whole i like memorial parks, not a lot of repeat business :) but PH demographics and growing GDP support growth in this industry.

Check it here.

BusinessManPH

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 260
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Re: INITAL PUBLIC OFFERING NEWS IN THE PHILIPPINES
« Reply #4 on: July 20, 2016, 09:50:56 AM »
there's a recent IPO for SPLASH and CEMEX. kukuha ba kayo?

TENDER OFFER: SPLASH CORPORATION   
CEMEX HOLDINGS PHILS., INC. (CHP) Listing Date & Trading Symbol

PinoyLife

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 123
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Re: INITAL PUBLIC OFFERING NEWS IN THE PHILIPPINES
« Reply #5 on: August 04, 2016, 03:25:45 PM »
Interesting notes there @Greenmoney... sana nga maapply ko yang logic na yan. salamat sa turo.


Your smart guide to money matters and entrepreneurship";}

PesoRepublic.com | Your smart guide to money matters and entrepreneurship.

Re: INITAL PUBLIC OFFERING NEWS IN THE PHILIPPINES
« Reply #5 on: August 04, 2016, 03:25:45 PM »

 

Related Topics


Posting Disclaimer: Any individual may post a message in this forum and may do so anonymously. Therefore, the sole author is exclusively and entirely responsible for all opinions in that message. They do not represent the official opinions of PesoRepublic , its administrators or moderators or the PesoRepublic Management. PesoRepublic is merely acting as an impartial conduit for constitutionally protected free speech and is not responsible and will not be held liable for the content of such messages. Community & Groups - Top Blogs Philippines