Author Topic: Ano pwedeng gawaiin pagtitipid para maka raos sa hirap ng buhay ngayon?  (Read 1371 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

NeoGemini

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 267
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Sa tindi ng hirap ng buhay ngayon: presyo ng gas bawat linggo tumataas; presyo ng panguhan bilihin tumataas araw araw;  pamasahe sa jeep, bus, tricycle, lrt/mrt tumataas; sahod hindi pa sapat etc. Ano ang pwede natin gawaiin pagtipid para maka raos sa buhay?

PesoRepublic.com | Your smart guide to money matters and entrepreneurship.


Mountain View

AdGeek

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 663
  • Karma: +1/-0
    • View Profile
I hope makatulong eto sayo... mahirap talaga ang buhay ngayon kaya kelangan maging maparaan sa lahat ng bagay.


1.kumain ka ng mga pag kaing mura pero masustansya like mga gulay at samahan mo ng prutas. Kasi ang mga karne ngayon ay mahal na hindi pa masustansya sa katawan. 

2. Umalis ng maaga at mag lakad kaysa mag tricycle at pag pauwi na ay  wag na kung saan saan mag lakwatsa, umuwi na ng maaga at maglakad nalang ulit kaysa mag tricycle para maka tipid pamasahe.

3. Gumamit ng pamaypamay habang nag papaantok sa pag tulog para hindi na gagamit pa ng aircon/or bintilador at ng maka tipid sa kuryente

4.Mag luto ka ng isang putaheng ulam pero damihan mo  na at ilagay mo sa refrigirator at init initin mo nalang kapag kakain ka para tipid sa gas. Pero ang gamintin mong pang init ay uling para sandali lang sindihan at hindi pa malakas sa gas at kapag may konting baga pa sa uling ay mag init ka ng tubig saka mo isalin sa termos para may pangkape ka  kinaumagahan.

5. Kamayin mo nalang ang pag lalaba mo ng damit mo at wag ka laging gagamit ng washing machine, tapos ay kapag sinampay mo ay wag mong pipigain ang damit mo para hindi mo na paplantsahin. Hayaan mo lang sya na tumulo at matuyo sa hangin. Then yung tubig na pinag banlawan mo ay ipunin mo sa isang drum  at yon ang gagamitin mo pambuhos ng kubeta nyo. Para maka tipid din kayo ng tubig. At marami pang ibang paraan 

Technopreneur101

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 228
  • Karma: +0/-0
  • i Love PesoRepublic.com
    • View Profile
I suggest mag hanap ng extra part time work

most americans has two jobs...why can't we?

save money .... then invest or start a part time small business :)

Alukin kita sa VMOBILE Business ko :)

RichPoorDad

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 268
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Para makaipon - Karaniwan, ang formula na ginagamit ng marami ay "Income minus expenses equals savings". Ibig sabihin, kung may matira pagkatapos ng gastos, iyon lang ang maitatabing ipon. Subukan mong palitan ito ng bagong formula - "Income minus savings equals expenses." I-plano na kung magkano ang gusto mong maipon at pagkasuweldo, ilipat na agad ito sa isang savings account bago mo pa magastos. Tingnan rin kung ano ang mga maaaring alisin sa mga gastusin. Ilista mo lahat ng iyong expenses at i-classify kung alin dito ang "needs" at "wants". Kung kakayanin, bawasan ang mga "wants".

Para madagdagan ang kita - May alam ka bang gawin o hilig na maaari mong gawing sideline? Maraming negosyante ang diyan nag-uumpisa. Maaari ka ring mag-attend ng mga seminars upang matuto ng iba't ibang negosyo. Nabanggit mong isa kang sales representative - kung hindi naman pinagbabawal ng iyong employer, maaari ka ring kumuha ng part-time sales job tulad ng sa insurance, na maaari mong gawin sa labas ng working hours mo sa iyong regular employer.

Tungkol sa networking - alamin munang mabuti kung legitimate ang networking na iniisip mong salihan. Pag-aralan ding mabuti kung madali mong maibebenta ang produkto ng networking company, lalo na kung may kapital na involved dito.
Please click on the banner to go to link

IntraLover

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 342
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
kung gusto mo makaipon kailangan magsuper duper mega ultra tipid ka lalo na pag sa siyudad ka nagtatrabaho at nakatira. wala kang maiipon kung maya't maya may bibilhin. kukulangin pa suweldo mo.

tungkol nmn sa formula ng pagsasave, thumbs up ako jan. disiplina na lang kailangan pra maisagawa ng matagumpay. if you're planning to stay in your work, you really need to work hard para taasan sweldo mo at magstart magsave for your capital in your soon-to-be business. yes. business is a must. haha. it really feels good to manage your own business and be your own boss.

i'm currently in networking and i say you really need to be cautious when entering business like ours. hanapin mo ang proof at credibility ng company..i tried working in networking because there's no harm in trying. nafo-foresee ko kasi ang future ko kapag plain employee lang ako. matatagalan bago makuha ang gusto kong buhay. i have no plans of wasting my capital kaya i'll do my best. it's your decision to join or not to join. kung magjojoin ka, busisiin mo ang sasalihan mo. ^_^

PesoRepublic.com | Your smart guide to money matters and entrepreneurship.


 

Related Topics

  Subject / Started by Replies Views Last post
9
2209
Last post December 06, 2016, 07:31:06 PM
by entrepreneura
5
1769
Last post July 23, 2012, 06:03:44 PM
by AdGeek
1
1713
Last post August 04, 2012, 09:11:10 AM
by CodeRepublic
5
1398
Last post July 22, 2012, 10:43:32 PM
by Ken312
1
769
Last post June 18, 2014, 06:59:15 PM
by jenicasoriano

Posting Disclaimer: Any individual may post a message in this forum and may do so anonymously. Therefore, the sole author is exclusively and entirely responsible for all opinions in that message. They do not represent the official opinions of PesoRepublic , its administrators or moderators or the PesoRepublic Management. PesoRepublic is merely acting as an impartial conduit for constitutionally protected free speech and is not responsible and will not be held liable for the content of such messages. Community & Groups - Top Blogs Philippines